dzme1530.ph

PBBM at VP Sara Duterte, nakiisa sa “Konsyerto sa Palasyo” para sa mga guro

Naging matagumpay ang ikatlong edisyon ng “Konsyerto sa Palasyo” na inihandog para sa mga guro.

Nakiisa sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President at Education Sec. Sara Duterte sa konsyerto kagabi sa Mabini Grounds sa Malakanyang, na nagsimula alas-6:30 ng gabi at tumagal ng halos dalawang oras.

Nagtanghal ang iba’t ibang local artists kabilang ang mga singer, rappers, at dance groups, sa pangunguna ng multi-awarded theater actors na sina Gerald Santos, Shiela Valderrama-Martinez, at Ima Castro.

Itinampok ang mga istorya ng inspirasyon ng mga guro na ipinagpatuloy ang paghuhulma sa kinabukasan ng mga mag-aaral sa harap ng hamon ng pandemya.

Bukod dito, ini-alay din ang konsyerto para sa bayaning si Apolinario Mabini na isa sa mga pinaka-iginagalang na educator sa kanyang panahon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author