dzme1530.ph

PBBM at Singaporean PM Lawrence Wong, sumabak sa bilateral meeting sa Malakanyang

Loading

Sumabak sa bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Singaporean Prime Minister Lawrence Wong sa Malakanyang.

Dumating si Wong sa Palasyo, kahapon, para sa kanyang dalawang araw na official visit sa bansa.

Ang Singaporean Prime Minister at maybahay nito ay sinalubong nina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos, kasama ang iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Kabilang sa pinag-usapan ng dalawang lider ang tungkol sa health, climate change mitigation, at civil service cooperation.

Nagpalitan din ng opinyon sina Marcos at Wong sa mga usapin tungkol sa politika at ekonomiya na mahalaga sa rehiyon.

Ang Pilipinas ang unang bilateral visit ng Singaporean leader kasunod ng kanyang reappointment noong Mayo.

About The Author