dzme1530.ph

PBBM at New Zealand PM, kapwa nababahala sa lumalalang tensyon sa South China Sea

Kapwa nagpabatid ng seryosong pagkabahala sina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at New Zealand Prime Minister Christopher Luxon sa panibagong developments na nagpalala sa tensyon sa South China Sea.

Sa joint statement matapos ang bilateral meeting sa Malacañang, isinulong ng dalawang lider ang mapayapang resolusyon sa mga sigalot.

Kinilala rin ang 2016 Arbitral award, kasabay ng paghikayat sa lahat ng dawit na partido na tumupad sa 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

Ipinabatid din ang suporta sa epektibong South China Sea Code of Conduct na binubuo ng ASEAN, na magtataguyod sa mga lehitimong karapatan at interes sa karagatan.

Itinaguyod din ang freedom of navigation at overflight at iba pang lawful uses sa karagatan alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

About The Author