dzme1530.ph

PBBM at Indonesian Presumptive President Prabowo, palalakasin ang PH-Indonesia relations

Patuloy na palalakasin ng Pilipinas at Indonesia ang kanilang relasyon.

Sa pakikipag-usap sa telepono ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay presumptive Indonesian President Prabowo Subianto, ipinabatid nito ang kahandaan ng Pilipinas na makipagtulungan sa Indonesia sa larangan ng Energy transition, Green metals, at Energy production.

Interesado rin si Marcos na makadaupang-palad sa hinaharap ang susunod na Indonesian leader, kasabay ng pagpuri sa maraming pagkaka-pareho ng dalawang bansa sa harap na rin ng pitumpung taong bilateral ties.

Umaasa naman si Prabowo na kanya na ring makakaharap si Pangulong Marcos sa lalong madaling panahon at tiniyak nito na kanyang ipagpapatuloy ang matibay na relasyon ng Pilipinas at Indonesia na itinatag ni outgoing Indonesian President Joko Widodo.

About The Author