dzme1530.ph

PBBM at FL Liza Marcos, tinrangkaso matapos ang siksik na schedule sa mga nakaraang araw

Tinamaan ng trangkaso sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos matapos ang siksik na schedule noong mga nakaraang araw.

Ayon sa Malacañang, nakitaan ng flu-like symptoms ang First Couple, at sa ngayon ay umiinom na sila ng gamot.

Nananatili naman umanong stable ang kanilang vitals.

Upang matiyak ang kanilang mabilis na paggaling, pinayuhan sila ng mga doktor na magpahinga muna.

Mababatid na kababalik lamang ng Pangulo at ng Unang Ginang noong weekend mula sa back-to-back visit sa Germany at Czech Republic.

Noong Martes naman ay nakipagpulong si Marcos sa mga senador at kongresista sa Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting, at gayundin kay US Sec. of State Antony Blinken.

Sa kaparehong araw ay dumalo rin ito sa World Economic Forum sa palasyo, at nagpa-interview pa sa US TV network na Bloomberg.

About The Author