dzme1530.ph

PBBM at FL Liza Marcos, may trangkaso pa rin

Hindi pa rin tuluyang gumagaling mula sa trangkaso sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ayon sa Malacañang, patuloy pa ring nakararanas ng flu-like symptoms ang first couple.

Gayunman, malaki na umano ang ibinuti ng kanilang kalagayan, at stable pa rin ang kanilang vital signs.

Sa kabila nito, patuloy na tututukan ng medical team ang kanilang kondisyon hanggang sa sila ay tuluyang maka-rekober.

Pinapayuhan din silang ipagpatuloy ang pahinga, pag-inom ng gamot, at pag-inom ng maraming tubig.

About The Author