dzme1530.ph

PBBM at FL Liza Marcos, may trangkaso pa rin

May trangkaso pa rin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa health update na inilabas ng Malacañang, sinabing patuloy na nakararanas ng flu-like symptoms ang first couple.

Gayunman, bumubuti na umano ang kanilang lagay at nananatili ring stable ang kanilang vital signs.

Pinapayuhan din silang ipagpatuloy ang pag-inom ng gamot, pagpapahinga, at hydration.

Patuloy ding nagta-trabaho ang pangulo sa kanyang residence.

Inaasahang makababalik na rin si Marcos sa full public engagements sa oras na mabigyan ng clearance ng kanyang doktor.

About The Author