dzme1530.ph

PBBM, aminadong walang saysay ang pag-unlad ng ekonomiya kung marami pa rin ang naghihirap

Loading

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang saysay ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa kung hindi ito nararamdaman ng mamamayan.

Sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) kahapon, sinabi ng Pangulo na bagama’t tumaas ang kumpiyansa ng mga negosyante, bumaba ang inflation, at dumami ang trabaho, hindi ito sapat dahil marami pa rin sa mga Pilipino ang patuloy na naghihirap.

Dahil dito, tiniyak ng Pangulo na sa nalalabing tatlong taon ng kanyang panunungkulan ay paiigtingin pa niya ang mga hakbang upang maibsan ang paghihirap ng mamamayan.

Ipinahayag din niyang magtutulungan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapalawak pa ang oportunidad sa trabaho. Tiniyak din ni Marcos na tutulungan ng gobyerno ang maliliit na negosyante sa pamamagitan ng pautang na may mababang interes at walang kolateral.

About The Author