dzme1530.ph

PBBM, aminadong marami pang kailangang gawin upang maresolba ang unemployment sa bansa

Aminado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na marami pang kailangang gawin ang gobyerno upang maresolba ang problema sa unemployment sa bansa.

Ito ay sa kabila ng bumabang unemployment at underemployment rate para sa buwan ng Mayo.

Ayon sa pangulo, kailangang patuloy na pasiglahin ang ekonomiya upang patuloy na mabigyan ng trabaho ang publiko.

Isusulong din nito na gawin ang Pilipinas na “investor-friendly” para sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan.

Sa kabila nito ay ikinatuwa pa rin ni Marcos ang dahan-dahang pag-akyat ng bilang ng mga Pilipinong may trabaho, at ipinagmalaki nito ang mga ipinatupad na polisiya at digitalization para sa ikagaganda ng ekonomiya. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author