Nasa Paris ang buong liderato ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa kanilang annual planning session kung saan tatalakayin nila ang magiging takbo ng susunod na season at ilang isyu na kinakaharap ng liga.
Sa pangunguna ni PBA Board Chairperson Ricky Vargas ng TNT at Commissioner Willie Marcial, mananatili sa French capital ang mga opisyal sa susunod na apat na araw.
Kabilang sa kanilang tatalakayin ang mga rules na babaguhin, patuloy na partisipasyon sa East Asia Super League at anong concessions ang maaring ibigay sa bay area kapag naglaro uli sa PBA.
Madali nalang din umanong maaaprubahan ang pagbabalik ng three-conference format na magsisimula sa pagbubukas ng all-Filipino tournament sa Oktubre.
Ang Philippine Cup at Reinforced Conference lamang ang nilaro ng liga ngayong taon para bigyan daan ang co-hosting ng bansa sa FIBA (International Basketball Federation) World Cup. —sa panulat ni Lea Soriano