dzme1530.ph

PBA All Stars, posibleng sunod na ganapin sa Davao

Ikinu-konsidera ng PBA ang Mindanao bilang susunod na venue ng taunang All-Star Weekend kasunod ng back-to-back stops sa Visayas.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na posibleng dalhin nila sa Davao ang annual festivities, kasunod ng matagumpay na All-Star game sa Bacolod noong Linggo.

Huling ginanap ang PBA All-Star game sa Mindanao noong 2018 sa Digos, kung saan itinampok ang PBA Mindanao All Stars laban sa PBA Smart All Stars.

Nagtapos ang 2024 PBA All-Star game sa pagitan ng Team Japeth Aguilar at Team Mark Barroca, noong Linggo, sa score na 140-140 draw, sa University of st. La Salle gym sa Bacolod City.

About The Author