dzme1530.ph

Paulit-ulit na power outages sa Samal Island, pinareresolba

Muling kinalampag ni Sen. Christopher “Bong” Go ang mga awtoridad upang agad nang aksyunan ang paulit ulit na power outages sa Island Garden City of Samal, partikular ngayong Summer kung saan mataas ang heat index.

Ipinaalala ni Go na ang isla ay isa sa banner tourist destinations sa Davao Region.

Sinabi ni Go na labis na nakakaapekto sa kabuhayan, negosyo at pang-araw-araw na buhay ng mga tao sa isla ang power outages.

Iginiit ni Go na paulit-ulit na rin ang panawagan sa Northern Davao Electric Cooperative (NORDECO) upang tuparin ang kanilang pangako na aayusin ang serbisyo sa Samal Island.

Ipinaalala ng senador na ilang beses na nanawagan ang Senado sa NORDECO na ayusin ang electric supply sa isla ng Samal na tinugunan ng pangako na lulutasin ang problema hanggang noong June 30, 2023.

Subalit halos isang taon na anya ay paulit-ulit pa rin ang power outages kaya ang tanong ng mga consumer-residents ng Samal ay kung hanggang kailan sila magtitiis sa walang kwentang serbisyo.

About The Author