dzme1530.ph

Paulit-ulit na pambubully ng China Sa West PH Sea, nakakasawa na

Aminado si Senador Christopher “Bong” Go na nakakasawa na ang paulit-ulit na pambubully at panghaharass ng China sa mga mangingisda, sa miyembro ng Philippine Coast Guard, BFAR at maging sa Philippine Navy.

Ayon kay Go, halos linggo-linggo na lamang ay nakakarinig siya ng balita sa ginagawang hindi maganda ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa gitna nito, nanawagan si Go sa pamahalaan ng China na irespeto ang karapatan at soberanya ng Pilipinas.

Nananawagan din ang senador sa lahat na ipaglaban ang ating kasarinlan at pag aari dahil atin anya ang WPS.

Nilinaw naman ni Go na mas mainam pa rin na idaan sa madiplomasyang pamamaraan ang pakikipaglaban sa ating soberanya.

About The Author