dzme1530.ph

Patuloy na pagbaba ng inflation rate sa bansa, nakikita ng NEDA

Nakikita ng National Economic Development Authority (NEDA) ang patuloy na pagbaba ng inflation rate sa bansa.

Ayon kay NEDA chief Arsenio Balisacan, tiwala siya sa pamahalaan na mananatili itong “on track” upang maabot ang target na mapabagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ngayong taon.

Posible naman aniyang sa susunod na linggo ay malaman ang inflation rate sa buwan ng Mayo.

Noong Mayo a-5, inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbagal ng inflation rate noong Abril sa 6.6%. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author