dzme1530.ph

PATULOY NA PAG-IINSPEKSYON SA PUVs PARA SA ROAD WORTHINESS, IPINAG-UTOS NG LTFRB

Loading

Ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang regional offices na ipagpatuloy ang pag-iinspeksyon sa public utility vehicles (PUVs) para sa road worthiness upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

 

Sa gitna ito ng pag-uwi ng mga Pilipino mula sa kanilang mga bakasyon sa nakalipas na Holy Week.

 

Sa statement, sinabi ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II na ang pagtiyak sa road worthiness ng PUVs, lalo na ang mga passenger bus, ay mahalaga sa pagbabalik ng mga biyahero sa Metro Manila at iba pang urban areas.

 

Idinagdag ni Mendoza na inaasahan din nilang gagampanan ng bus companies at operators ang kanilang mga tungkulin.

 

Hindi lamang aniya limitado ang inspeksyon sa mga sasakyan, dahil inatasan din ang LTFRB personnel na panatilihin ang koordinasyon sa iba pang law enforcement agencies upang matiyak ang mental at physical readiness ng PUV drivers.

 

Inobliga ang LTFRB regional offices na magsumite ng compliance reports sa inspection at iba pang road safety measures na ipinatupad noong Holy Week break.

About The Author