Umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapatuloy ng kolaborasyon kay US President-elect Donald Trump, sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at kasaganahan sa Indo-Pacific region.
Sa kanilang pag-uusap sa telepono, inihayag ni Marcos na inaasahan na rin niya ang pagpapatuloy ng malalim na pakikipagtulungan kay Trump upang mapalakas pa ang ugnayan ng Pilipinas at America.
Sinabi rin nito na ang nag-uumapaw na suporta ng mga Pilipino sa Estados Unidos para sa pagka-panalo ng incoming US president, ay itong nagpapakita sa malalim at matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Si Trump ay nakatakdang magbalik sa White House sa Enero 2025. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News