dzme1530.ph

Patas na pag-proseso ng petroleum service at coal operating contracts sa local at foreign investors sa BARMM, matitiyak sa sinelyuhang Energy Board Circular

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na matitiyak ang patas na pag-proseso ng petroleum service at coal operating contracts sa local at foreign investors.

Ito ay sa sinelyuhang Intergovernmental Energy Board (IEB) Circular sa joint award ng petroleum service contracts at coal operating contracts sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang IEB circular ang mag-ooperationalize sa probisyon sa Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region, kaugnay ng kooperasyon ng national at Bangsamoro government sa pagbibigay ng rights, privileges, at concessions sa territorial jurisdiction ng Bangsamoro para sa exploration, development, at utilization ng uranium at fossil fuels tulad ng petroleum, natural gas, at coal.

Nakasaad din dito ang requirements, procedures, at standards para sa mga kumpanyang nais mag-apply ng petroleum service at coal operating contracts.

Bukod dito, sinabi ni Marcos na sa pamamagitan nito ay mapangangalagaan ang kapaligiran at kapakanan ng mga komunidad sa exploration at pagtatayo ng bagong energy sources.

Tiniyak ng Pangulo na patuloy na pauunlarin ng gobyerno ang energy sector ng Bangsamoro para sa ekonomiya ng rehiyon at para na rin sa kapakinabangan ng buong Pilipinas. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author