dzme1530.ph

Patas na imbestigasyon sa serbisyo ng PrimeWater, suportado ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas

Loading

Nanindigan ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na dapat masolusyunan ang mga problema kaugnay sa PrimeWater Infrastructure Corporation sa pamamagitan ng proper at transparent channels.

Iginiit ni Alyansa Campaign Manager at Navotas Rep. Toby Tiangco na mahalaga ang access sa malinis na tubig dahil ito ay pangunahing pangangailangan na dapat tugunan ng agaran at patas na pagrereview.

Aminado si Tiangco na hindi maaaring balewalain ang mga reklamo kaugnay sa water service.

Nilinaw naman ng kongresista na dapat alinsunod sa mga tamang datos, at nakapokus sa pagtugon ng provider ang kanilang obligasyon sa taumbayan.

Ang statement ni Tiangco ay kasunod ng deklarasyon ng Malakanyang na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa serbisyo ng PrimeWater.

About The Author