dzme1530.ph

Patakaran sa pagtitinda sa Divisoria, muling iminungkahi ng Manila LGU

Pinulong ng lokal ma pamahalaan ng Maynila ang mga vendor sa may bahagi ng Divisoria.

Ito’y upang muling ipaalala ang mga patakaran para sa mas ligtas at maayos na pamilihan sa lungsod mg Maynila.

Nasa mahigit 500 mga tindero’t tindera sa Divisoria ang kinausap ni Mayor Honey Lacuna kasama ang iba’t ibang mga pinuno ng City Treasurer’s Office, Bureau of Permits, Department of Public Services, Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Engineering and Public Works, at Department of Tourism and Public Works.

Kabilang din ang mga chairman na nakakasakop sa Divisoria pati ang mga pulis at mga namumuno ng istasyon na sakop nito.

Ipinakilala sa nasabing pulong ang mga otorisadong opisyales na naatasan sa koordinasyon at pangongolekta ng mga buwis.

Bukod ditto, siniguro ni Mayor Honey na patuloy ang suporta ng Manila LGU sa mga nagtitinda sa mas ikaliligtas nila pati ng mga mamimili dito.

Nakiusap rin ang alkalde sa kooperasyon ng bawat isa para mapanatili ang disiplina at kalinisan sa lugar. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author