dzme1530.ph

Pastor Quiboloy, pinayuhan ng Pangulo na siputin ang pagdinig ng Senado, Kamara, ukol sa alegasyon laban sa kanya

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na siputin ang pagdinig ng Senado at Kamara kaugnay ng imbestigasyon sa kinahaharap niyang sexual allegations.

Sa ambush interview sa Villamor Airbase sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na mas mainam na humarap sa mga pagdinig si Quiboloy upang ipaliwanag ang kanyang panig at sagutin ang lahat ng paratang sa kanya.

Kung patuloy umano itong hindi sisipot at umabot sa punto na kinailangan itong ipa-cite in contempt, sinabi ng Pangulo na mas malaking gulo pa ang mangyayari.

Samantala, tinawanan lamang ng pangulo ang alegasyong siya ay nakikipagsabwatan sa America para ipatumba ang tinaguriang “Self-appointed Son of God”.

About The Author