dzme1530.ph

Pastor Apollo Quiboloy, pahaharapin muna sa mga kaso sa Pilipinas bago i-extradite sa America

Haharapin muna ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy ang mga kaso nito sa Pilipinas, bago ito posibleng i-extradite sa America.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasunod ng pagkakahuli kay Quiboloy matapos ang matagal na pagtatago.

Sa ambush interview sa Taguig City, inihayag ng Pangulo na sa ngayon ay wala pang extradition request mula sa America para sa kustodiya ng pastor, sa gitna ng pagiging wanted din nito sa FBI dahil sa mga kasong human trafficking at child abuse.

Gayunman, sa ngayon ay hindi muna umano tinututukan ang extradition kundi ang mga kaso at reklamong nakahain sa mga Korte sa Pilipinas laban sa pastor. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author