dzme1530.ph

Pastor Apollo Quiboloy, hinamon ng Pangulo na magpakita na

Hinamon ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy na magpakita na.

Sa ambush interview sa Rizal, iginiit ng Pangulo na sa halip na kwestyunin ni Quiboloy ang motibo ng pag-aalok ng pabuya ng mga pribadong indibidwal para sa kanyang ikadarakip, mas mainam na magpakita na lamang ito.

Pinuna rin nito ang tila palaging pag-kwestyon ni quiboloy sa mga awtoridad na sumusunod lamang naman sa batas, kaya’t ngayon ay siya ang hinamon ni Marcos na sumunod sa batas.

Si Quiboloy ay may patong na ₱10-M sa gitna ng patuloy na pagtatago kaugnay ng kinahaharap na mga kasong Child Abuse at Human Trafficking.

About The Author