dzme1530.ph

Pasok sa paaralan sa buong Luzon, ini-rekomenda nang suspendihin ng DILG hanggang bukas sa harap ng bagyong Kristine

Ini-rekomenda na ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t ang suspensyon ng pasok sa paaralan sa buong Luzon sa harap ng banta ng bagyong “Kristine”.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla na inabisuhan na ang mga lokal na pamahalaan na suspendhin ang klase sa all levels, public and private, hanggang bukas, sa buong Luzon seaboard.

Tiniyak din ni Remulla na nakalatag na ang lahat ng paghahanda para sa posibleng pag-landfall ng bagyo.

Sa ngayon ay binabantayan umano ang magiging direksyon ng bagyo.

About The Author