dzme1530.ph

PASOK NG GOVERNMENT EMPLOYEES BUKAS, HALF-DAY WORK-FROM-HOME LANG, AYON SA MALAKANYANG

Loading

Inanunsyo ng Malacañang na half-day at work-from-home ang trabaho ng government employees bukas, Miyerkules Santo, bilang bahagi ng paggunita sa Semana Santa.

 

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na 8 A.M. hanggang 12 N.N. ang WFH setup ng mga empleyado ng pamahalaan bukas, at wala na silang pasok sa hapon.

 

Gayunman, alinsunod sa Memorandum Circular 116, ang mga ahensya na nasa basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, at iba pang vital services ay dapat magpatuloy sa kanilang operasyon sa ilalim ng karaniwang working arrangements at maghatid ng mga kinakailangang serbisyo.

 

Idinagdag ni Castro na ang mga private establishment naman ay malayang magpasya kung magpapatupad din sila ng work suspension.

About The Author