dzme1530.ph

Pasay LGU, nagtalaga ng child-friendly spaces para sa mga batang bakwit

Loading

Nagtalaga ang lokal na pamahalaan ng Pasay ng mga child-friendly spaces sa limang evacuation centers para sa mga estudyanteng naapektuhan ng pagbaha.

Ayon sa Pasay LGU, layon ng inisyatibo na bigyan ng ligtas na lugar ang mga bata upang makapaglaro at matuto habang pansamantalang hindi pa nakakabalik sa kanilang mga paaralan.

Naglagay rin ang lungsod ng women-friendly spaces para sa mga inang nagpapasuso.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan na mananatiling bukas ang mga evacuation center para sa mga residenteng nakatira sa mga bahain o bulnerableng lugar, bilang paghahanda sa paparating pang mga bagyo.

Samantala, patuloy ang pag-ulan sa Parañaque, kung saan nananatiling madilim ang kalangitan at may posibilidad ng malakas na buhos ng ulan.

About The Author