dzme1530.ph

Pasaherong nahulihan ng parte ng baril sa bagahe, inaresto sa NAIA

Loading

Inaresto ng mga tauhan ng Airport Authority ang isang pasaherong patungong Butuan sa Ninoy Aquino International Airport matapos makitaan ng parte ng baril sa kanyang bagahe.

Ayon sa Avsegroup, natuklasan ng x-ray operator ang naturang kontrabando nang dumaan ito sa regular baggage screening, kung saan nakalagay sa isang kahon ang isang lower receiver ng baril.

Inamin umano ng pasahero na pagmamay-ari niya ang item at sinasabing pinoproseso ang paglilisensya nito sa Mindanao, ngunit nabigo siyang ipakita ang anumang permit o ligal na dokumento.

Dahil dito, inaresto ng mga tauhan ng NAIA Police Station 2 ang suspect at kinumpiska ang parte ng baril.

Ang naarestong pasahero ay kasalukuyang nasa kustodiya ng NAIA Police Station 2 at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 28 ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

About The Author