Inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) ang isang 47-anyos na babaeng pasahero pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport mula Seoul kahapon ng umaga.
Ang pag-aresto sa pasahero ay kasunod ng pagkadiskubre ng Bureau of Immigration na may warrant of arrest ito na inisyu ng Fourth Judicial Region, Municipal Trial Court, Tanay, Rizal, noong Agosto 20, 2014, para sa 3 counts ng paglabag sa BP 22 o Anti- Bouncing Check Law.
Ayon sa AVSEGROUP dumating ang akusado sa NAIA Terminal 1 at naaresto.
Ang nasabing akusado ay nananatili sa kustodiya ng NAIA Police Station 1 para sa karagdagang dokumentasyon at legal na paglilitis habang ₱3,500.00 ang piyansang itinakda ng Korte sa bawat kaso para sa kanyang pansamantalang kalayaan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News