Inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP), katuwang ang Pasay City Police, ang isang pasaherong dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula sa Istanbul, Turkey.
Batay sa ulat ng AVSEGROUP, hinarang ang pasahero ng Bureau of Immigration matapos makumpirmang siya ay may alias warrant of arrest na inilabas pa noong 2014 para sa kasong pagnanakaw.
Napag-alaman na higit 10-taon nang nagtatago sa batas ang akusado.
Sa ngayon, nasa kustodiya na siya ng Pasay City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso.