dzme1530.ph

Pasahero inaresto sa NAIA dahil sa pending Warrant of Arrest

Inaresto ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang isang Filipino passenger na may hawak na Canadian passport sa Arrival Immigration Area sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino international Airport (NAIA).

Kinilala ang pasahero sa alias na ‘Norman’ na may pending warrant of arrest sa RTC Branch 68 sa Lingayen, Pangasinan dahil sa kasong paglabag sa RA 9262, o ang Violence Against Women and Their Children Act.

Kaugnay nito 24,000 pisos ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng naturang suspect.

Paalala ni PNP PNP-AVSEGROUP Director PBGEN Christopher Abrahano sa publiko na ayusin muna ang kanilang mga kasong legal sa loob ng bansa upang hindi maantala ang kanilang paglalakbay.

About The Author