dzme1530.ph

PASAHE SA LRT-2, BABABA NG HANGGANG P6.50 SA ILALIM NG BAGONG FARE MATRIX

Loading

Bababa hanggang ₱6.50 ang pasahe sa LRT Line 2 sa ilalim ng bagong release na fare matrix para sa pagpapatupad ng 50% discount simula sa March 23.

 

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), batay sa updated matrix, ang stored value card users ay magbabayad ng ₱6.50 hanggang ₱16.50, depende sa layo ng kanilang biyahe.

 

Samantala, ang single-journey fares ay mula ₱8 hanggang ₱18, kasama na ang reduced rates sa lahat ng istasyon mula Recto Ave. hanggang Antipolo.

 

Saklaw ng discounted fares ang lahat ng istasyon ng LRT-2, kabilang ang Cubao, Katipunan, at Santolan. 

About The Author