dzme1530.ph

Parusa sa mga pulis na hindi gagamit ng body cam sa operasyon, dapat isama sa operations manual

Panahon nang magkaroon ang Philippine National Police (PNP) ng malinaw na panuntunan sa pagsusuot ng body cameras ng mga pulis sa kanilang mga operasyon.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Chiz Escudero sa paggiit na dapat maisama na sa manual of operations ng PNP ang mga regulasyon sa paggamit ng body cam.

Partikular na nais ni Escudero na maisama sa manual of operations ang pagkakaroon ng parusa sa mga lumalabag sa regulasyon sa pagsusuot ng body cam.

Kasabay nito, handa si Escudero na maging co-author sa Senate Bill 2199 na nagmamandato ng paggamit ng body camera ng mga pulis sa kanilang mga operasyon.

Isusulong din ng senador sa budget hearings ng PNP ang patuloy na procurement ng body cam upang matiyak na ang bawat pulis ay magkakaroon nito. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author