Nilinaw ng Supreme Court na hindi dapat tulad sa regular libel ang parusa sa isang tao na hinatulang makulong dahil sa kasong Cyberlibel.
Ito ang nilalaman ng desisyon ng 2nd Division ng Supreme Court sa kano ni Jannece Penalosa versus Jose Ocampo Jr. na sinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen at sinang-ayunan nina Justices Amy Lazaro-Javier, Mario Lopez, Joseph Lopez at Antonio Kho Jr.
Tumakbo sa SC si Penalosa para maghain ng Petition for Review on Certiorari matapos siyang hatulan ng Mababang Korte ng Mandaluyong City noong 2014 dahil sa kasong Cyberlibel.
Dahil wala pang batas para sa Cyberlibel noong 2011 kung kailang niya ginawa ang pag-post sa Facebook ng mga paninira laban kay Ocampo, hinatulan siya sa ilalim ng regular libel.
Paliwanag ng Mataas na Hukuman, ang libel article sa Revised Penal Code ay tumutukoy lamang sa paninirang puri sa pamamagitan ng pagsusulat, printing, “lithography,” “engraving,” “radio,” “phonograph,” “painting,” “theatrical exhibition,” at “cinematographic exhibition” kung saan hindi kabilang ang “computer systems” na kahalintulad nito. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News