dzme1530.ph

PARTYLIST SYSTEM, PINAAAMYENDAHAN; IGINIIT NA DI DAPAT GAMITIN SA RAKET

Loading

Hindi dapat gamitin ang partylist system ng mga gustong rumaket.

Ito ang iginiit ni Senador Risa Hontiveros kaya’t inihain ang panukalang naglalayong amyendahan ang PartyList Sysem Act upang maiwasan o mapigilan ang mga pag-abuso dito.

Alinsunod sa Senate Bill 1656, nais ni Hontiveros na pagbawalan  ang political dynasties sa pakikilahok sa partylist system  at nagbabawal  sa mga partylist nominees  at representatives na may  interest sa mga government contracts Iginiit ni Hontiveros na layunin ng kanyang panukala na maibalik  ang  naipagkait na tinig ng ordinaryong Pinoy dahil sa mga abusadong personalidad na ginamit ang partylist system bilang back door para magkaroon ng puwesto.

Tinawag pa ni Hontiveros na scammer ang partylist representative na bumoboto sa infrastructure budget habang nakikipag bid ang kanilang kumpanya para sa proyekto.

Hangarin din ng panukala na mabigyang garantiya na ang marginalized sector ay may tunay na tinig  sa Kongreso at  kayang ipaglaban  ang kanilang karapatan  at kapakanan.

About The Author