dzme1530.ph

Partnership ng UST at Hong Kong Polytechnic University, magbubukas ng oportunidad sa mas de kalidad na edukasyon

Loading

Ikinatuwa ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pag-apruba ng Commission on Higher Education (CHED) sa partnership sa pagitan ng University of Santo Tomas (UST) at Hong Kong Polytechnic University.

Ayon kay Gatchalian, magbubukas ito ng mas maraming oportunidad para sa mga estudyanteng nais makakuha ng world-class na edukasyon sa sining, gayundin sa pagpapalakas ng cross-border learning at research initiatives sa pagitan ng dalawang unibersidad.

Kasabay nito, hinikayat ng senador ang gobyerno, educational institutions at mga lider ng industriya na palawakin pa ang mga partnership upang mapanatili ang kalidad ng sistema ng edukasyon sa pandaigdigang antas.

Mahalaga anyang suportahan ng gobyerno ang Higher Education Institutions (HEIs) sa bansa upang makipag-ugnayan sa mga kilalang paaralan sa ibang bansa, dahil ang mga mag-aaral at guro ang higit na makikinabang sa ganitong mga oportunidad.

Inaasahan na magbubunga ang kasunduan ng mas mataas na antas ng academic excellence at pagsasanay para sa mga Pilipinong estudyante sa larangan ng sining at iba pang kurso.

About The Author