Iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian na mahalaga ang papel ng mga financial technology companies sa paglaban sa lumalalang problema ng online gambling, lalo na sa kabataan.
Ayon sa senador, ikinatuwa niya ang hakbang ng ilang fintech firms na higpitan ang kanilang mga mekanismo upang hindi magamit sa ilegal o mapanlinlang na online gambling.
Binigyang-diin ni Gatchalian na hindi maihihiwalay ang paglago ng online gambling sa mabilis na pag-usbong ng financial technology.
Dahil dito, hinimok niya ang mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng fintech firms, online gaming operators, at mga ahensya ng pamahalaan.
Naniniwala ang senador na ang mas malawak na kolaborasyon ng mga stakeholder ay susi sa pagkakaroon ng mas ligtas na digital environment para sa mga Pilipino.