Pagsasabay-sabayin na ng Commission on Elections ang proklamasyon sa nanalong 12 senador sa katatapos na halalan.
Ito, ang tugon ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa hiling ng ilan na iproklama na ang anim na nangungunang senatorial bets batay sa unofficial count.
Sinabi ni Garcia na posibleng matapos na ngayong araw ng Huwebes ang canvassing ng mga boto kaya’t maaari na nilang iprokalama ang mga nanalong senador sa Sabado.
Ipinagmalaki ni Garcia na ito na ang pinakamaagang proklamasyom sa kasaysayan dahil magagawa ito wala pang isang linggo matapos ang halalan.
Sa suspensyon ng sesyon ng National Board of Canvassers kagabi, kabuuang 159 na mga certificates of canvass na ang kanillang nabilang.
Nangangahulugan ito na 16 na coc na lamang ang kanilang ika-canvass ngayong araw na ito upang makumpleto ang lahat ng 175 coc.