dzme1530.ph

Partial list ng 66 senatorial aspirants para sa Halalan 2025, inilabas ng Comelec

Tinapyas ng Comelec ang kanilang listahan ng senatorial aspirants para sa 2025 midterm elections sa 66 mula sa 183 mga pangalan.

Kahapon ay inadopt ng Comelec en banc ang rekomendasyon ng kanilang law department na ikonsidera ang partial/initial list ng mga aspirante sa pagka-senador sa susunod na taon.

Ilan sa mga napabilang sa inisyal na listahan sina Wilbert Lee, Benhur Abalos, Bam Aquino, Abby Binay, Pia Cayetano, Bong Revilla Jr., Arlene Brosas, France Castro, Ronald dela Rosa, Bong Go, Gregorio Honasan, Ping Lacson, Lito Lapid, Rodante Marcoleta, at Imee Marcos.

Gayundin sina Willie Ong, Manny Pacquiao, Kiko Pangilinan, Apollo Quiboloy, Willie Revillame, Vic Rodriguez, Phillip Salvador, Chavit Singson, Tito Sotto, Francis Tolentino, Ben Tulfo, Erwin Tulfo, Mar Valbuena, at Camille Villar.

Kasabay nito ay inatasan ng poll body ang law department na simulan ang motu propio filing ng petisyon para ideklarang nuisance candidates ang 117 aspirante. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author