dzme1530.ph

Pari, inaresto sa kasong offending religious feeling

Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Father Winston Cabading makaraang ireklamo ng deboto ng Our Lady of Mary Mediatrix of All Grace na si dating Sandigabayan at COMELEC chair Harriet Demetriou. 

Si Fr. Winston ng Archdiocese of Manila ng Office of Exorcism ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Madonna Echeverri ng QC-RTC branch 81 dahil sa kasong Offending Religious Feelings sa ilalim ng Article 133 ng Revised Penal Code.

Nag-ugat ang reklamo kay Cabading matapos na kutyain umano ng pari sa isang conference ang mga aparisyon ng Birheng Maria sa Lipa City, Batangas nuong 1948 na isang paghamak sa Our Lady of Mary Mediatrix kung hindi maging sa mga deboto.

Binatikos din umano ng pari sa kaniyang lecture na basic catholic theology on angels and demons, angels in christian life ang pagpapakita ng himala na nasaksihan ng mga madre.

Tinawag pa ni Justice Demetriou na “notoriously offensive” ang pagtawag ni Fr. Cabading sa Mediatric of All Grace na demonic o may sa demonyo sila.

Samantala, agad namang nakapaglagak ng piyansang P18,000 ang pari matapos itong maaresto ng CIDG habang itinakda ng korte ang kanyang arraignment o pagbasa ng sakdal sa June 1, 2023 sa ganap na alas-8:30 ng umaga. —sa ulat ni Neil Miranda, DZME News

About The Author