dzme1530.ph

Pardon sa 143 Pinoy sa UAE, maagang Pamasko sa kanilang pamilya

Maituturing na maagang pamasko sa pamilya ng 143 Pinoy na nasangkot sa minor offenses at nabigyan ng pardon ng gobyerno ng United Arab Emirates.

Ito ang inihayag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kasabay ng pagpapahayag ng katuwaan sa anya’y pang-unawa at pagmamalasakit ng UAE government.

Dahil aniya rito napapalakas pa ang relasyon ng Pilipinas at UAE.

Sinabi ni Estrada na sa pag-uwi ng mga Pilipino ay hinahangad niyang mabiyayaan sila ng programa ng ating gobyerno para makabangon muli at maipagpatuloy ang kanilang paglaban sa mga hamon sa buhay kapiling ng kanilang mga mahal sa buhay at hindi na mangibang bansa pa.

Isinalaysay pa ni Estrada na dalawang beses din siyang nakapagpauwi ng mahigit 100 na distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa iba’t ibang bahagi ng UAE noong unang dalawang termino niya sa Senado.

Kaya naman alam nya kung gaano kahalaga ang pakikipagtulungan at suporta ng ating pamahalagaan para matulungan ang ating mga nangangailangang kababayan sa ibang bansa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author