![]()
Binuweltahan ni Tingog Rep. Jude Acidre si Navotas Cong. Toby Tiangco sa akusasyon nitong sinusuhulan ang mga kongresista para suportahan ang impeachment complaint ni VP Sara Duterte.
Malaking kasinungalingan ayon kay Acidre ang bintang ni Tiangco. Hinamon nito si Tiangco na kung may ebidensya ito ay ilabas, at kung wala naman ay tigilan nito ang pag mislead sa publiko.
Mariing itinanggi ni Acidre ang ano mang insinuation na ang lide-rato ng Kamara, kabilang si former House Speaker Martin Romualdez ay iniimpluwensyahan ang mga kongresista kapalit ng pondo o pabor.
Hinamon nito si Tiangco na patunayan ang bintang at ilabas ito sa proper channel o forum at magsampa ng kaso.
Saad pa ni Tiangco, ang pagbintangan ang sino mang miyembro ng Kamara na ipinagbibili ang kanilang judgement ay hindi lamang kasinungalingan, kundi reckless at baseless accusation na insulto sa integridad ng House at talino ng mga Filipino.
