Mariing itinanggi at kinundena ng Armed Forces Of The Philippines (AFP) ang mapanlinlang at hindi totoong paratang ng China Coast Guard (CCG) sa di umano’y banggan sa Ayungin Shoal.
Ayon sa AFP, nanatiling isyu umano dito ang iligal na presensya at aktibidad ng Chinese Vessels sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) na siyang banta sa karapatan at soberanya ng Pilipinas.
Dagdag pa ng AFP, ang patuloy na agresibong aksyon ng CCG ay nagpapala lamang sa tension sa rehiyon.
Samantala, hindi na idinetalye ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang operasyon ng humanitarian rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal.