dzme1530.ph

Parañaque, may alok na libreng sakay sa gitna ng transport strike

Loading

Nag-deploy ng government vehicles ang lokal na pamahalaan ng Parañaque City para sa “libreng sakay” simula ngayong Lunes bilang tugon sa tigil-pasada ng transport group na Manibela.

Ipinag-utos ni Mayor Eric Olivares ang deployment ng 40 sasakyan sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue, o Sucat Road, ayon sa Parañaque City Public Information Office.

Saklaw ng libreng sakay hanggang July 26, araw ng Miyerkules, ang mga area ng Baclaran, Ninoy Aquino Avenue, Quirino Avenue, at East at West Service roads.

Una nang inanunsyo ng grupong Manibela ang transport strike bilang pagtutol sa Jeepney Modernization program ng pamahalaan.

About The Author