Nag-anunsyo ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan ngayong Biyernes, August 22, 2025, ang lungsod ng Parañaque dahil sa epekto ng Southwest Monsoon at malakas na pag-ulan.
Ayon sa LGU, inabisuhan na ang mga paaralan na magsagawa ng early dismissal para sa parehong morning at afternoon classes upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Batay ito sa rekomendasyon ng Parañaque City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Samantala, nagkansela na rin ng afternoon classes sa lahat ng antas ang mga lungsod ng Pasay at Taguig.
Binigyan naman ng kalayaan ang pamunuan ng mga paaralan na magpasya kung nais nilang gumamit ng alternatibong paraan para ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.
Pinapaalalahanan din ang mga residente na mag-ingat at manatiling alerto sa lahat ng oras.