dzme1530.ph

Paramihan ng maaarestong suspek, magiging basehan sa promosyon ng mga pulis —new CPNP

Loading

May ipatutupad na metrics o basehan ang bagong upong PNP Chief, Police Major Gen. Nicolas Torre III sa promosyon ng mga pulis.

Sa kaniyang unang press briefing, sinabi ni Torre na magiging basehan ng promosyon at pagpwesto ng mga opisyal ng PNP ang “paramihan ng aresto”.

Nilinaw naman ng PNP Chief, na ang kaniyang utos ay pag aresto at hindi pagpatay.

Naniniwala umano ito na ang magaling na pulis ay hindi papayag na dumami ang mga kriminal sa kaniyang nasasakupan.

Paliwanag pa ni Torre, sakaling mali ang ginawang hakbang ng pulis ay maaari itong ireklano sa kanilang Internal Affairs Service.

Nakahanda naman umano ang PNP na magbigay ng legal service sakaling maharap ito sa reklamo kasunod ng ginawa nilang pag-aresto.

About The Author