Ang chickenpox o bulutong tubig ay isang impeksyon na nagdudulot ng pantal sa balat dulot ng varicella zoster virus.
Madalas na dinadapuan ng virus na ito ang mga bata na hindi pa natuturukan ng chickenpox vaccine at maaaring kumalat sa pamamagitan ng contact sa taong mayroon nito.
Kabilang sa mga sintomas ng chickenpox ang lagnat, pananakit ng ulo at tiyan, makating skin rashes, at butlig na puno ng likido na parang gatas.
Narito naman ang ilang paraan upang malunasan ang bulutong tubig: gumamit ng malamig na tuwalya o bimpo at bahagya itong idiin sa mga pantal; panatilihing nasa malamig na temperatura ang sinumang may chickenpox at hikayatin na huwag itong kamutin upang hindi magsugat; at maaari ring ipainom ang mga over-the-counter na gamot o antihistamine upang maiwasan ang pangangati. —sa panulat ni Airiam Sancho