Naniniwala ang isang kongresista na kasapi ng Quad Committee na lumalalim ang papel ni Sen. Bong Go sa isyu ng extra judicial killings at illegal POGO sa bansa.
Sa interpelasyon ni Assistant Majority Leader Pammy Zamora ng Taguig noong Biyernes, inungkat nito kay retired Police Col. Royina Garma kung paano ito na-appoint sa PCSO.
Ayon kay Garma, nagsumite siya ng application kay nuo’y pres’l assistant Bong Go, kalakip ang isang sulat para kay President Rodrigo Duterte.
Inamin din ni Garma na nung GM na siya ng PCSO nagre-remit ito ng pera sa PNP.
Una nito sinabi naman ni Police Col. Jovie Espenido, na kay Bong Go dumadaloy ang pondo mula sa POGO, jueteng, STL at intelligence fund na ginagamit sa reward system sa pulis at vigilante na makakapatay ng nasa drug lists.
Si Garma ang lumilitaw na pangunahing personalidad o direktor sa pagpatay sa tatlong Chinese national sa loob ng Davao Penal Colony. —sa panulat ni Ed Sarto