dzme1530.ph

Papaalis na pasahero sa NAIA patungong Bangkok, hinarang ng Immigration

Loading

Hinarang ng Bureau of Immigration ang isang pasaherong papaalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong Bangkok, Thailand.

Ayon sa ulat, natuklasan ng immigration na may active warrant of arrest ang pasahero na inisyu ng Metropolitan Trial Court sa Makati City, na may piyansang ₱3,000.

Sa karagdagang beripikasyon, napag-alaman na mayroon pang isa pang warrant ang suspect mula sa Regional Trial Court ng Taguig City kaugnay sa kasong Syndicated Estafa, na walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng NAIA Police Station ang naarestong pasahero para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

About The Author