dzme1530.ph

Paolo Contis, masaya para sa dating partner na si LJ Reyes

Masaya ang aktor na si Paolo Contis para sa dating girlfriend na si LJ Reyes na sinorpresa ang kanyang social media followers kamakailan sa balitang engaged na siya.

Una nang nag-post ang aktres ng mga litrato ng proposal ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Sinabi ni Paolo na hindi na siya dapat kunan ng reaksyon subalit naiintindihan naman niya kung bakit kailangang malaman ang kanyang panig.

Aniya, masayang masaya siya para sa dating partner na ina ng kanyang anak na si Summer.

Idinagdag ng aktor na plano rin niyang bisitahin ang kanyang anak subalit hindi na niya isasapubliko kung kailan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author