dzme1530.ph

Paolo Contis at Yen Santos, tila na-demonize ng mga tao

Sobrang dismayado si Paolo Contis sa walang tigil na batikos ng publiko sa relasyon nila ni Yen Santos.

Punong puno aniya ng galit ang mga tao at tila na “demonize” sila pareho na parang sobrang big deal nang ginawa nila.

Pero ani Paolo, natuto na siya at umabot pa sa puntong wala na siyang pakialam kahit pa paulit-ulit siyang bansagan na “world hatest man” ng mga tao.

Swerte naman aniya siya kasi napaka private na tao ni Yen kung kaya’t masasabi niya na nasa quiet na relationship na siya ngayon.

Kasunod nito, nilinaw ni Paolo na hindi naman niya ikukumpara si Yen sa dati niyang karelasyon na si LJ Reyes kasi magkaibang tao naman daw sila.

Wala naman aniyang alam ang mga tao behind closed doors at maayos naman ang takbo ng kanilang pag-iibigan ni Yen. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author