dzme1530.ph

PAOCC spokesman Winston Casio, sinibak sa pwesto kasunod ng pananampal sa isang trabahador ng ni-raid na POGO sa Bataan

Sinibak sa pwesto si Presidential Anti-Organized Crime Commission Spokesman Winston Casio kasunod ng lumutang na video ng pananampal sa isang trabahador ng ni-raid na POGO sa Bagac Bataan noong Oct. 31.

Sa memorandum na ginawa ni PAOCC Exec. Dir. Gilberto Cruz, nakasaad na ito ay upang matiyak ang patas at komprehensibong imbestigasyon hinggil sa isyu.

Kaugnay dito, binigyan ng 24-oras si Casio upang magsumite ng written explanation.

Sinabi pa sa memorandum na mahalaga ang agarang pagsagot ni Casio dahil makai-impluwensya ito sa mga susunod pang kaukulang aksyon ng PAOCC.

Samantala, kinumpirma na rin ni PAOCC Chairman at Executive Sec. Lucas Bersamin ang pag-relieve kay Casio kaakibat ng utos sa pagsusumite ng kanyang paliwanag. —sa panulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author